Arjo Atayde nagbabalik bilang Benjo Malaya

Pagkatapos ng maaksyong season 1 ng Bagman, Arjo Atayde nagbabalik sa mas maaksyong season 2 bilang Benjo Malaya.


Idinetalye ni Arjo ang pagkakaiba ng season 1 at season 2. Sa season 1, ipinakita kung paano si Benjo naging "Bagman" at nagkaroon ng power at utus-utusan. Samantalang sa season 2, may power na si Benjo kaya mag iiba na ang takbo at pagsubok nya ngayong may power na sya at ipapakita dito ang bigger scale ng corruption. Hindi lang ito basta patayan kundi realidad dito sa Pilipinas, kung gano karumi ng pulitaka. Masaya sya na naipapakita ang ganitong klase ng kwento sa digital format sa pamamagitan ng IWant, malaya nila maipahayag ang totoong kwento ng buhay.


Madami na ang nagpakita ng paghanga kay Arjo sa season 1 pa lang kaya naman nakaabang din ang lahat sa kung ano pa ang mapapakita ng Arjo Atayde. Para sa kin natatanging aktor sya kasi nagagawa nya ng matagumpay ang kanyang karakter mapa aksyon o drama man. Nag level up ang kanyang pagiging Benjo pero andun pa din un misteryo at nanaisin mong sundan ng sundan ang kanyang paglalakbay.

Ayon kay Arjo, abangan nyo hanggang dulo at baka magkaroon pa ng season 3.

Naikwento din ni Arjo na madami pa syang gusto makatrabaho na magagaling aktor, isa na dyan si John Lloyd Cruz. Ayaw din naman nya matali bilang kontrabida gusto magawa lahat ang ibat ibang klase ng karakter na macha-challenge sya.

Sundan ang buhay ni Benjo Malaya sa Bagman season 2 at IWant www.IWant.pH

Comments