Christmas Tree Lighting ceremony at San Jose Del Monte

Pormal ng pinasinayaan nina congresswoman Rida at mayor Arthur Robes ang pagsisimula ng tradisyon ng Kapaskuhan. Nobyembre 18, pina-ilawan ang 20ft Christmas Tree sa may City hall Plaza.


Masayang dinaluhan nina mayor Arthur at congresswoman Rida ang programa kung saan nagpamalas ng galing ang mga Tanglawan Ambassadors.  Nagbigay ningning din ang mga kapuso artists mula sa Starstruck Season 7. Mayroon din bazaar na nagtatampok sa mga Kooperatiba ng San Jose Del Monte.


Ang kanilang Christmas tree ay binalutan ng Pink na Christmas Bells, simbolo ng pagdating ng kapaskuhan simbolo ng kapanganakan ng ating panginoon.

Para sa taong ito ay "Bully Free Christmas" ang tema ng kanilang pagdiriwang.  Naway maging masaya at punong puno ng pagmamahalan ang mga San Josenos at sana kahit hindi Pasko ay patuloy na mamayani ang pagmamahalan.

Comments