Congresswoman Rida Robes at Mayor Arthur Robes, perfect combination para sa San Jose Del Monte

Congresswoman Rida Robes masayang dumating upang samahan ang kanyang butihin asawa sa pagtanggap ng natatanging award, Seal of Good Governance mula sa DILG.


Bilang San Josenos,  masaya si Ate Cong sa award na kanilang natanggap at nag papasalamat sya sa lahat ng kawani ng San Jose Del Monte dahil sama-sama sila sa nasabing award na ito.


Sa aming maikling panayam kay ate Cong ay na-ishare nya na isa sa kanilang sikreto ng magandang tandem ay "Nag uusap". Ayon sa kanya, hindi sya nakikipag girian sa kanyang asawa at maganda ang kanilang tandem kasi walang kumpitesya at walang awayan.

Binalita rin ni Ate Cong ang muli nilang pagsali sa "Guiness Book of World", Largest Lantern Parade para matalo ang UK. Para sa nalalapit na kapaskuhan magkakaroon sila ng Christmas Tree Lighting at Bazaar sa November 18. At patuloy na gagawin ni ate Cong ang tradisyon na Gift-Giving simula ng December 1. Marami pang mga activity amg naka line up para sa mga minamahal nilang San Josenos.

Comments