Congresswoman Rida Robes, lubos ang pasasalamat sa nagmamahal sa Bulakenos

Bilang isang public servant maraming kababayan ang nagpapasalamat sa kanila dahil sa mga tulong at proyekto na binibigay nila sa bayan. Pero para sa isang Congresswoman Rida Robes lubos din ang pasasalamat nya sa mga taong tumulong sa kanya upang mapaglingkuran ng mabuti ang kanyang kapwa Bulakenos.


Nagsisimula ang pasasalamat ni congresswoman Rida sa kanyang butihing asawa, mayor Arthur Robes. Ayon sa kanya, si mayor Arthur ang tipo ng tao na hindi tumitigil hanggat hindi nabibigay ang kanyang best para sa taong bayan. Sa kabila ng mabigat na pangyayari sa kanyang buhay (mamatay ang kanyang Ina) ay nangibabaw ang magandang hangarin nya para sa San Jose Del Monte. Lagi rin binabanggit ni Ate Cong ang pagiging positibo dapat sa buhay para mas maging maunlad ang pamumuhay.


Malaki rin ang pasasalamat nya sa pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagsuporta nito sa mga programa para sa Bulakenos. Isa din sa nabanggit nya si Philip Salvador at kapatid nito dahil sa paglapit sa pangulo. Malaki din ang pasasalamat nya kina senator Nancy Binay at secretary Mark Villar sa pagtulong sa mga programa para sa San Jose Del Monte tulad ng Sports Complex at convention center.


Nanawagan din sya Kay senator Bato Dela Rosa para sa proyektong National Building.

At dahil nalalapit na ang Kapaskuhan, masayang ibinalita ni congresswoman Rida ang kanilang Christmas Tree Lighting na gagawin na sa Lunes. Kasabay ng Christmas Tree Lighting ang pagkakaroon ng bazaar (1Linggo) ng mga Kooperatiba ng San Jose Del Monte. Ilulunsad din ang Tanglawan ambassadors sa nasabing event kung saan matutunghayan ang mga talentadong Bulakenos.

Madami pa ang kaabang-abang sa San Jose Del Monte at mapalad ang mga Bulakenos sa pagkakaroon ng isang maganda at busilak na kalooban na congresswoman Florida Robes.


Comments